Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Marcos - Marcos 6

Marcos 6:33-55

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
33Ngunit nakita silang umaalis at maraming nakakilala sa kanila, at nagsitakbo ang mga tao mula sa mga bayan at naunahan nila sina Jesus na dumating doon.
34Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay.
35Nang dapit-hapon na, nagpunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ilang ang lugar na ito at gumagabi na.
36Paalisin mo nalang sila upang makapunta sila sa karatig-pook at sa mga nayon upang bumili ng makakain para sa kanilang sarili.”
37Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng anumang makakain.” Sinabi nila sa kaniya, “Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?”
38Sinabi niya sa kanila, “Ilang pirasong tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at tingnan ninyo.” Nang napag-alaman nila, sinabi nila, “Limang pirasong tinapay at dalawang isda.”
39Inutusan niya ang lahat ng tao na umupo ng pangkat-pangkat sa may damuhan.
40Umupo silang pangkat-pangkat, mga pangkat ng tig-iisang daan at tig-lilimampu.
41Nang kinuha niya ng limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpasalamatan at pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ibigay sa mga tao. At pinaghinati-hati niya ang dalawang isda para sa kanilang lahat.
42Kumain silang lahat hanggang sila ay nabusog.
43Tinipun nila ang pinagpira-pirasong tinapay, labindalawang basket ang napuno, kasama na rin ang pinaghati-hating isda.
44At may limanlibong mga kalalakihan ang kumain ng mga tinapay.
45Agad niyang pinasakay ang kaniyang mga alagad sa bangka at pinauna sila sa kabilang dako, sa Betsaida, habang pinaaalis niya ang mga tao.
46Nang wala na sila, umakyat siya sa bundok upang manalangin.
47Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa.
48At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.
49Ngunit nang makita nilang naglalakad siya sa dagat, naisip nila na isa siyang multo at nagsigawan sila,
50dahil nakita at natakot sila sa kaniya. Agad niya silang kinausap at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob! Ako ito! Huwag kayong matakot!”
51Sumakay siya sa bangka at tumigil ang pag-ihip ng hangin at lubos silang namangha sa kaniya.
52Sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan ng tinapay, ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga kaisipan.
53Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genesaret at idinaong nila ang bangka.
54Nang makababa sila sa bangka, agad nilang nakilala siya.
55At nagtakbuhan sila sa buong rehiyon at nagsimulang dalhin sa kaniya ang mga may sakit na nasa higaan, saan man nila mabalitaan na siya ay pupunta.

Read Marcos 6Marcos 6
Compare Marcos 6:33-55Marcos 6:33-55