Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 7

Lucas 7:22-44

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kapag nakaalis na kayo, ibalita ninyo kay Juan kung ano ang inyong nakita at narinig. Ang mga bulag ay nakatatanggap ng paningin, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakaririnig, ang mga patay ay nabuhay, at ibinabahagi ang magandang balita sa mga taong mahihirap.
23Pinagpala ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa.”
24Pagkatapos nang umalis ang mga tagapagbalita ni Juan, si Jesus ay nagsimulang magsalita sa maraming tao tungkol kay Juan, “Ano ang ipinunta ninyo sa disyerto upang makita, isang tambo na inaalog ng hangin?
25Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang taong nakadamit ng marilag na kasuotan? Tingnan ninyo, ang mga taong nagsusuot ng marilag na damit at namumuhay sa karangyaan ay nakatira sa palasyo ng mga hari.
26Ngunit ano ang ipinunta ninyo upang makita, isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
27Siya ang tinutukoy sa nasusulat, 'Tingnan mo, aking ipinapadala ang aking mensahero na mauuna sa iyo, na siyang maghahanda sa iyong daraanan bago ka dumating.'
28Sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae, walang mas hihigit kay Juan, ngunit ang pinakamababang tao sa kaharian ng Diyos ay mas higit pa sa kaniya.”
29Nang marinig ito ng lahat ng tao, kabilang ang mga maniningil ng buwis, ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid. Sila ay kabilang sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan.
30Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusan ng mga Judio, na hindi niya nabautismuhan, ay tinanggihan ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
31“Sa ano ko ihahambing ang mga tao sa salinlahing ito? Ano ang katulad nila?
32Katulad sila ng mga batang naglalaro sa pamilihan, na umuupo at tumatawag sa bawat isa at sinasabi, 'Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi kayo sumayaw. Nagdalamhati kami, ngunit hindi kayo umiyak.'
33Sapagkat naparito si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay at hindi umiinom ng alak, at inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
34Ang Anak ng Tao ay dumating na kumakain at uminom at inyong sinabi, 'Masdan ninyo, siya ay isang napakatakaw na tao at isang manginginom, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan!'
35Ngunit ang karunungan ay napawalang-sala ng lahat ng kaniyang mga anak.”
36Ngayon, may isang Pariseo ang nakiusap kay Jesus na makisalo siya sa kaniya. Kaya nang pumasok si Jesus sa bahay ng Pariseo, sumandal siya sa mesa upang kumain.
37Masdan ito, may isang babae sa lungsod na makasalan. Nalaman niya na si Jesus ay nakasandal sa hapagkainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala siya ng isang alabastro ng pabango.
38Tumayo siya sa likuran ni Jesus malapit sa kaniyang mga paa at umiyak. At sinimulan niyang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ang mga ito ng pabango.
39Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
40Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” Sinabi niya, “Sabihin mo, Guro!”
41Sinabi ni Jesus, “May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram. Ang isa ay may utang ng limang daang denaryo, at ang isa ay may utang ng limampung denaryo.
42Dahil sila ay walang pera na pangbayad, sila ay pareho niyang pinatawad. Kaya, sino sa kanila ang higit na magmamahal sa kanya?”
43Sinagot siya ni Simon at sinabi, “Sa palagay ko ay ang pinatawad niya nang lubos.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong paghatol.”
44Humarap si Jesus sa babae at sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo itong babae. Ako ay pumasok sa iyong bahay. Hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa, ngunit siya, ay binasa niya ang aking mga paa sa pamamagitan ng kaniyang mga luha, at pinunasan ang mga ito ng kaniyang buhok.

Read Lucas 7Lucas 7
Compare Lucas 7:22-44Lucas 7:22-44