Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 6

Lucas 6:36-46

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
36Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
37Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag magparusa at hindi kayo parurusahan. Patawarin ninyo ang iba at kayo ay patatawarin.
38Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo.”
39At sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga. “Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag? Kung gagawin niya ito, kapwa sila mahuhulog sa hukay, hindi ba?
40Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging kagaya ng kaniyang guro.
41At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata?
42Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
43Sapagkat walang mabuting puno ang namumunga ng bulok na bunga, ni walang bulok na puno ang namumunga ng mabuting bunga.
44Sapagkat ang bawat puno ay nakikilala sa uri ng kaniyang bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi umaani ng igos sa matinik na damo, ni hindi sila umaani ng ubas sa matinik na baging.
45Inilalabas ng mabuting tao ang kabutihan na nagmumula sa kayamanan ng kaniyang puso, at inilalabas ng masamang tao ang masama mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. Sapagkat mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig.
46Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko?

Read Lucas 6Lucas 6
Compare Lucas 6:36-46Lucas 6:36-46