Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 19

Lucas 19:15-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Nangyari nang siya ay bumalik, natanggap na niya ang kaharian, pinatawag niya ang mga lingkod na binigyan niya ng pera, upang malaman niya kung magkano ang kanilang tinubo sa pagnenegosyo.
16Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.'
17Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.'
18Ang pangalawa dumating, sinasabi, 'Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng limang mina.'
19Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Mamamahala ka sa limang lungsod.'
20At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela,
21sapagkat natatakot ako sa iyo, dahil ikaw ay mabagsik na tao. Kinukuha mo ang hindi mo iniipon, at inaani ang hindi mo inihasik.'
22Sinabi sa kaniya ng maharlika, 'Huhusgahan kita ayon sa iyong mga salita, ikaw na masamang lingkod. Alam mo na ako ay mabagsik na tao, kinukuha ang hindi ko inilagay, at inaani ang hindi ko inihasik.
23Kung gayon bakit hindi mo inilagay ang aking pera sa bangko, upang sa pagbalik ko, makuha ko ito nang may kasamang tubo?'
24Sinabi ng maharlika sa mga nakatayo doon, 'Kunin ninyo ang mina sa kaniya, at ibigay ninyo sa may sampung mina.'
25Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.'
26'Sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mayroon ay mabibigyan pa ng mas marami, ngunit sa kaniya na wala, kahit ang mayroon siya ay kukunin sa kaniya.
27Ngunit ang aking mga kaaway, ang mga may ayaw na maghari ako sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sila sa harapan ko.'”
28Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito, nauna na siyang pumunta, paakyat sa Jerusalem.
29At nangyari nang palapit na siya sa Bethfage at sa Bethania, sa bundok na tinatawag na Olivet, nagsugo siya ng dalawa sa mga alagad,
30sinasabi, “Pumunta kayo sa kabilang nayon. Sa inyong pagpasok, matatagpuan ninyo ang isang bisiro na hindi pa kailanman nasasakyan. Kalagan ninyo ito at dalhin sa akin.
31Kung may magtatanong sa inyo, 'Bakit ninyo kinakalagan iyan?' sabihin ninyo, 'Kailangan ito ng Panginoon.'”
32Ang mga isinugo ay pumunta at natagpuan ang bisiro gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila.

Read Lucas 19Lucas 19
Compare Lucas 19:15-32Lucas 19:15-32