Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 12

Lucas 12:4-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa.
5Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya.
6Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos.
7Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya.
8Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos,
9ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
11Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin,
12dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
13At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
14Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?”
15At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
16Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, “Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana,
17at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?'
18Sinabi niya, 'Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at tatayuan ko ng mas malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at iba pang mga ari-arian.

Read Lucas 12Lucas 12
Compare Lucas 12:4-18Lucas 12:4-18