Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 8

Levitico 8:14-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Dinala ni Moises ang torong handog para sa kasalanan, at si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro na kanilang dinala para ihandog para sa kasalanan.
15Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.
16Kinuha niya ang lahat ng taba sa laman-loob, ang bumabalot sa atay, at ang dalawang bato at ang kanilang taba, at sinunog ni Moises ang lahat ng ito sa ibabaw ng altar.
17Pero ang toro, balat nito, karne nito, at dumi nito ay sinunog niya sa labas ng kampo, gaya ng iniutos ni Yahweh sa kaniya.
18Inalay ni Moises ang lalaking tupa para sa handog na susunugin, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
19Pinatay niya ito at isinaboy ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
20Hiniwa niya ang lalaking tupa nang pira-piraso at sinunog ang ulo at ang mga piraso at ang taba.
21Hinugasan niya ang laman loob at ang mga binti sa pamamagitan ng tubig, at kaniyang sinunog ang isang buong lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Ito ay isang handog na susunugin at naglalabas ng mabangong halimuyak, isang paghahandog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh inutos ni Yahweh kay Moises.
22Pagkatapos iniharap ni Moises ang ibang tupa, ang tupang lalaki ng pagtatalaga, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng ulo ng lalaking tupa.
23Pinatay ito ni Aaron at kumuha si Moises ng kaunting dugo nito at inilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, sa hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
24Dinala niya ang mga anak na lalaki ni Aaron, at inilagay niya ang kaunting dugo sa ibabaw ng dulo ng kanilang kanang tainga, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isinaboy ni Moises ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
25Kinuha niya ang taba, ang taba ng buntot, ang lahat ng taba sa mga laman-loob, ang bumabalot sa atay at ang dalawang bato at ang kanang hita.
26Mula sa basket ng tinapay na walang na walang pampaalsa at isang nilangisan na tinapay at isang barkilyos, at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng taba at sa kanang hita.
27Inilagay niya ang lahat ng ito sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki, itinaas ang mga ito bilang isang paghahandog sa harapan ni Yahweh.

Read Levitico 8Levitico 8
Compare Levitico 8:14-27Levitico 8:14-27