Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 7

Levitico 7:29-35

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sino man ang maghandog ng alay ng isang handog para sa kapayapaan para kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi ng kaniyang alay para kay Yahweh.
30Ang handog para kay Yahweh na susunugin sa apoy, dapat ang kaniyang sariling mga kamay ang magdala nito. Dapat niya dalhin ang taba kasama ang dibdib, para ang dibdib ay maging isang handog na maitaas sa harapan ni Yahweh at idulog sa kaniya.
31Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, pero ang dibdib ay ikakaloob kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
32Dapat ibigay ninyo ang kanang hita sa pari bilang isang handog na idinulog mula sa alay ng inyong handog para sa kapayapaan.
33Ang pari, isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang naghandog ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan at ang taba—magkakaroon siya ng kanang hita bilang kaniyang bahagi sa handog.
34Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel.
35Ito ay bahagi para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan mula sa mga handog para kay Yahweh na sinunog sa apoy, sa araw na iniharap sila ni Moises para maglingkod kay Yahweh sa gawain ng pari.

Read Levitico 7Levitico 7
Compare Levitico 7:29-35Levitico 7:29-35