Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 7

Levitico 7:23-30

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Hindi kayo dapat kumain ng taba ng isang baka o tupa o kambing.
24Ang taba ng isang hayop na namatay na hindi naalay, o ang taba ng isang hayop na nilapang mga mababangis na hayop, maaaring gamitin para sa ibang mga layunin, pero tiyak na hindi ninyo dapat kainin ito.
25Sinuman ang kumain ng taba ng isang hayop na maaaring ihandog ng mga lalaki bilang isang alay na susunugin sa apoy para kay Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga lahi.
26Hindi dapat kayo kumain ng anumang dugo sa anuman sa inyong mga bahay, mula man ito sa isang ibon o sa isang hayop.
27Sinuman ang kumain ng anumang dugo, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
28Kaya nangusap si Yahweh kay Moises at sinabi,
29“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sino man ang maghandog ng alay ng isang handog para sa kapayapaan para kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi ng kaniyang alay para kay Yahweh.
30Ang handog para kay Yahweh na susunugin sa apoy, dapat ang kaniyang sariling mga kamay ang magdala nito. Dapat niya dalhin ang taba kasama ang dibdib, para ang dibdib ay maging isang handog na maitaas sa harapan ni Yahweh at idulog sa kaniya.

Read Levitico 7Levitico 7
Compare Levitico 7:23-30Levitico 7:23-30