Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 6

Levitico 6:8-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
9“Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
10Isusuot ng pari ang kaniyang linong mga damit, at isusuot niya ang kaniyang linong mga damit na panloob. Kukunin niya ang naiwang mga abo pagkatapos na natupok ng apoy ang handog na pambayad para sa kasalanan sa ibabaw ng altar, at ilalagay niya ang mga abo sa gilid ng altar.
11Huhubarin niya ang kaniyang mga damit at isusuot ang ibang mga damit para dalhin ang mga abo sa labas ng kampo patungo sa isang lugar na malinis.
12Pananatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay, at ang pari ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw nito tuwing umaga. Aayusin niya ang handog na pambayad para sa kasalanan ayon sa pangangailangan nito, at kaniyang susunugin dito ang taba ng mga handog pangkapayapaan.
13Dapat patuloy na panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay.
14Ito ang batas ng handog na pagkaing butil. Ihahandog ito ng mga anak na lalaki ni Aaron sa harap ni Yahweh sa harapan ng altar.
15Kukuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina sa handog na pagkaing butil at sa langis at sa insenso na nasa handog na pagkaing butil, at susunugin niya ito sa altar para magpalabas ng isang mabangong samyo para isipin at magpasalamat tungkol sa kabutihan ni Yahweh.
16Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa handog. Dapat ito kainin nang walang pampaalsa sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
17Hindi ito dapat ihurno nang may pampaalsa. Ibinigay ko ito bilang kanilang bahagi sa aking mga handog na gawa sa pamamagitan ng apoy. Pinakabanal ito, gaya ng handog para sa kasalanan at ng handog na pambayad para sa kasalanan.

Read Levitico 6Levitico 6
Compare Levitico 6:8-17Levitico 6:8-17