Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 6

Levitico 6:23-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
23Lubusang susunugin ng pari ang bawat handog na pagkaing butil. Hindi ito dapat kainin.”
24Muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
25“Kausapin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, na nagsasabing, 'Ito ang batas ng handog para sa kasalanan: Dapat patayin ang handog para sa kasalanan sa lugar na kung saan pinatay ang handog na susunugin sa harap ni Yahweh. Ito ay pinakabanal.
26Kakainin ito ng pari na naghandog nito para sa kasalanan. Dapat ito kainin sa isang banal na lugar sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
27Magiging banal ang anumang makakahawak ng mga karneng ito, at kung naiwisik ang dugo sa anumang damit, dapat ninyong labahan ito, ang bahagi na tinilamsikan, sa isang banal na lugar.
28Pero dapat basagin ang kaldero na pinakuluan nito. Kung pinakuluan ito sa isang tansong kaldero, dapat kuskusin ito at hugasan sa malinis na tubig.

Read Levitico 6Levitico 6
Compare Levitico 6:23-28Levitico 6:23-28