Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 4

Levitico 4:5-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Kukuha ang hinirang na pari ng kaunting dugo ng toro at dadalhin ito sa tolda ng pagpupulong.
6Isasawsaw ng pari ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ang kaunti nito ng pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
7At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
8Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
9ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa puson, at ang umbok ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya itong lahat.

Read Levitico 4Levitico 4
Compare Levitico 4:5-9Levitico 4:5-9