Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 4

Levitico 4:21-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Bubuhatin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin ito gaya ng pagsunog niya sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan para sa kapulungan.
22Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
23pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.
24Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at papatayin ito sa lugar kung saan nila pinapatay ang mga handog na susunugin sa harapan ni Yahweh. Isa itong handog para sa kasalanan.
25Kukunin ng pari ang dugo ng handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang dugo nito sa paanan ng altar ng handog na susunugin.
26Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar, gaya ng taba ng alay ng mga handog para sa kapayapaan. Gagawa ang pari para sa ikapagpapatawad ng namumuno patungkol sa kaniyang kasalanan, at papatawarin ang namumuno.
27Kung nagkasala ang sinuman sa mga karaniwang tao nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
28pagkatapos kung alam niya ang kasalanang nagawa niya, sa gayon magdadala siya ng isang kambing para sa kaniyang alay, isang babaeng walang kapintasan, para sa kasalanang ginawa niya.
29Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ang handog para sa kasalanan sa lugar ng susunuging handog.
30Kukuha ang pari ng kaunting dugo gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin. Ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo sa paanan ng altar.
31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
32Kung magdadala ang isang tao ng isang kordero bilang alay niya para sa isang handog sa kasalanan, dadalhin niya ang isang babaeng walang kapintasan.
33Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ito para sa isang handog sa kasalanan sa lugar kung saan nila pinapatay ang handog na susunugin.
34Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.

Read Levitico 4Levitico 4
Compare Levitico 4:21-34Levitico 4:21-34