Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 3

Levitico 3:8-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang alay at papatayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
9Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob,
10at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya ang lahat ng ito.
11At susunugin ng pari ang lahat ng ito sa altar bilang isang pagkaing handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
12At kung ang handog ng lalaki ay isang kambing, kung gayon ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh.
13Dapat niyang ipatong ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at patayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
14Ihahandog ng lalaki ang kaniyang alay kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Aalisin niya ang tabang bumabalot sa lamang-loob, at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob.
15Aalisin niya rin ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay kasama ang mga bato.
16Susunugin ng pari ang lahat ng iyon bilang isang pagkaing handog na gawa sa pamamagitan ng apoy, para magbigay ng isang mabangong samyo. Pag-aari ni Yahweh ang lahat ng taba.

Read Levitico 3Levitico 3
Compare Levitico 3:8-16Levitico 3:8-16