Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 26

Levitico 26:38-46

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
38Maglalaho kayo sa mga nabibilang na mga bansa, at ang lupain mismo ng inyong mga kaaway ang lalamon sa inyo.
39'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
41na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
42ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
43Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.
44Pero sa kabila ng lahat ng ito, kapag nasa lupain sila ng kanilang mga kaaway, hindi ko sila kamumuhian na tuluyan silang lipulin at hindi puputulin ang aking tipan sa kanila, sapagkat ako si Yahweh na kanilang Diyos.
45Pero para sa kanilang kapakanan isasaisip ko ang tipan sa kanilang mga ninuno, na siyang aking dinala palabas mula sa lupain ng Ehipto na nasaksihan ng mga bansa, upang ako ay maging Diyos nila. Ako si Yahweh.”
46Ito ang mga utos, kautusan, at mga batas na ginawa ni Yahweh sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga tao ng Israel sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.

Read Levitico 26Levitico 26
Compare Levitico 26:38-46Levitico 26:38-46