Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 26

Levitico 26:11-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa inyo at hindi ko kayo itatakwil.
12Maglalakad ako kasama ninyo, magiging Diyos ninyo at magiging bayan ko kayo.
13Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
14Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
15at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
16—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
17Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
18Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
19Babaliin ko ang inyong pinagmamalaking kapangyarihan. Gagawin ko ang langit sa inyong itaas na parang bakal at ang inyong lupain na parang tanso.
20Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
21Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
22Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
23Kung sa lahat ng ito, hindi niyo pa rin tinatanggap ang aking pagtuturo, sa halip nagpatuloy na lumakad laban sa akin,
24Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
25Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
26Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
27Kung hindi kayo makikinig sa akin kahit pa na may mga ganitong bagay, at sa halip patuloy na lumakad laban sa akin,
28ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
29Kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki; kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
30Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
31Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
32Sisirain ko ang lupain. Sobrang mabibigla ang inyong mga kaaway na naninirahan doon sa pagkakasira.
33Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
34Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito.

Read Levitico 26Levitico 26
Compare Levitico 26:11-34Levitico 26:11-34