Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 26

Levitico 26:1-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1“Dapat huwag kayong gumawa ng mga rebulto, ni hindi kayo magtatayo ng mga nililok na mga larawan o isang sagradong batong haligi at dapat huwag kayong maglagay sa inyong lupain ng anumang hinulma na imaheng bato na inyong yuyukudan, sapagkat ako si Yahweh na inyong Dios.
2Dapat ninyong isagawa ang aking mga Araw ng Pamamahinga at parangalan ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
3Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
4Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
5Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
6Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain; hihiga kayo ng walang kahit na anong kinatatakutan. Aalisin ko ang mga mababangis na hayop mula sa lupain at hindi dadaan ang espada sa inyong lupain.
7Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
8Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
9Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
10Kakain kayo ng pagkaing inimbak ng mahabang panahon. Kakailanganin ninyong ilabas ang inyong inimbak na pagkain dahil kakailanganin ninyo ng lugar para sa bagong ani.
11Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa inyo at hindi ko kayo itatakwil.
12Maglalakad ako kasama ninyo, magiging Diyos ninyo at magiging bayan ko kayo.
13Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
14Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
15at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
16—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
17Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
18Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
19Babaliin ko ang inyong pinagmamalaking kapangyarihan. Gagawin ko ang langit sa inyong itaas na parang bakal at ang inyong lupain na parang tanso.
20Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
21Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
22Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
23Kung sa lahat ng ito, hindi niyo pa rin tinatanggap ang aking pagtuturo, sa halip nagpatuloy na lumakad laban sa akin,

Read Levitico 26Levitico 26
Compare Levitico 26:1-23Levitico 26:1-23