Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 25

Levitico 25:32-51

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
32Gayunman, ang mga bahay na pagmamay-ari ng mga Levita sa kanilang mga siyudad ay maaaring tubusin sa anumang oras.
33Kung hindi tutubusin ng isa sa mga Levita ang bahay na ipinagbili niya, sa gayon dapat ibalik ang bahay na ipinagbili sa siyudad kung saan ito naroon sa Paglaya, dahil ang mga bahay sa mga siyudad ng mga Levita ay ari-arian nila sa gitna ng mga tao ng Israel.
34Subalit hindi maaring ipagbili ang mga bukid sa palibot ng kanilang mga siyudad dahil ang mga iyon ay permanenteng ari-arian ng mga Levita.
35Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
36Huwag siyang singilin ng tubo o subukang kumita mula sa kanya sa anumang paraan, ngunit parangalan ang inyong Diyos upang ang kapatid ninyo ay makapanatiling namumuhay kasama ninyo.
37Hindi ninyo siya dapat bigyan ng pautang na pera at patawan ng tubo, ni pagbilhan ng iyong pagkain upang kumita.
38Ako ay Yahweh na inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at upang ako ay maging Diyos ninyo.
39Kung maging mahirap ang kapwa kababayan ninyo at ipagbili ang kanyang sarili sa inyo, hindi ninyo siya dapat pagtrabahuhin tulad ng isang alipin.
40Ituring siyang isang upahang lingkod. Dapat siyang maging tulad ng isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo. Maglilingkod siya sa inyo hanggang sa Taon ng Paglaya.
41Pagkatapos aalis siya mula sa inyo, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya, at babalik siya sa kanyang sariling pamilya at sa ari-arian ng kanyang ama.
42Sapagkat mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila ipagbibili bilang mga alipin.
43Hindi ninyo sila dapat pamunuan nang malupit, subalit dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos.
44Para sa inyong mga aliping lalaki at babae, na maaari ninyong makuha mula sa mga bansang naninirahan sa palibot ninyo, maaari kayong bumili ng mga alipin mula sa kanila.
45Maaari rin kayong bumili ng mga alipin sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo, iyon ay, mula sa kanilang mga pamilyang kasama ninyo, mga batang ipinanganak sa inyong lupain. Maaari ninyo silang maging ari-arian.
46Maaari ninyong ibigay ang ganyang mga alipin bilang isang pamana sa inyong mga anak na kasunod ninyo, para panghawakan bilang ari-arian. Mula sa kanila ay maaari kayong palaging bumili ng inyong mga alipin, ngunit hindi ninyo dapat pamunuan ang mga tao ng Israel nang may pagmamalupit.
47Kung isang dayuhan o isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo ang naging mayaman, at kung isa sa mga kapwa ninyo Israelita ang naging mahirap at ipagbili ang kanyang sarili sa dayuhang iyon, o sa isang tao sa pamilya ng isang dayuhan,
48matapos na ang inyong kapwa Israelita ay nabili, maaari siyang muling bilhin. Isang tao sa kanyang pamilya ang maaaring tumubos sa kanya.
49Marahil ang tiyuhin ng tao o anak ng kanyang tiyuhin ang siyang tutubos sa kanya, o sinumang malapit na kamag-anak niya mula sa kanyang pamilya. O, kung naging maunlad siya, maaari niyang tubusin ang kanyang sarili.
50Dapat siyang makipagtawaran sa taong bumili sa kanya; dapat niyang bilangin ang mga taon mula sa taong ipinagbili niya ang kanyang sarili sa nakabili sa kanya hanggang sa Taon ng Paglaya. Ang halaga ng kanyang katubusan ay dapat kuwentahin alinsunod sa halagang ibabayad sa isang upahang lingkod, para sa bilang ng mga taon na maaari siyang patuloy na magtrabaho para sa bumili sa kanya.
51Kung may maraming taon pang natitira hanggang sa Paglaya, dapat siyang magbalik bayad bilang halaga para sa kanyang katubusan ng isang katumbas na dami ng perang angkop sa bilang ng mga taong iyon.

Read Levitico 25Levitico 25
Compare Levitico 25:32-51Levitico 25:32-51