Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 25

Levitico 25:16-30

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Ang higit na malaking bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magdaragdag sa halaga ng lupa, at ang higit na maliit na bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magbabawas sa halaga, dahil ang bilang ng pag-aani na idudulot ng lupa para sa bagong may-ari ay may kaugnayan sa bilang ng mga taon bago ang susunod na Paglaya.
17Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos.
18Kaya nga dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan, ingatan ang aking mga batas, at tuparin ang mga iyon. Sa gayon ligtas kayong mamumuhay sa lupain.
19Mamumunga ang lupain, at kakain kayo hanggang mabusog at ligtas na mamumuhay roon.
20Maaaring sabihin ninyo, “Anong kakainin namin sa panahon ng ikapitong taon? Masdan, hindi kami makakapagtanim o makakapagtipon ng bunga.”
21Iuutos kong dumating sa inyo ang aking pagpapala sa ikaanim na taon, at magbibigay ito ng aning sapat para sa tatlong taon.
22Magtatanim kayo sa ikawalong taon at patuloy na kakain mula sa bunga ng mga nakaraang taon at mga itinagong pagkain. Hanggang sa dumating ang ani ng ikasiyam na taon, makakakain kayo mula sa mga pagkaing itinago sa mga nakaraang taon.
23Hindi dapat ipagbili ang lupa sa bagong permanenteng may-ari, dahil sa akin ang lupa. Kayong lahat ay mga dayuhan at pansamantalang naninirahan sa aking lupain.
24Dapat ninyong sundin ang karapatan ng pagtubos para sa lahat ng lupang makamtan ninyo; dapat ninyong payagang muling bilhin ang lupa ng pamilya ng kung kanino ninyo ito binili.
25Kung naging mahirap ang kapwa ninyo Israelita at dahil doon ipinagbili ang ilan sa kanyang ari-arian, sa gayon maaaring bilhin muli ng pinakamalapit niyang kamag-anak ang ari-ariang ipinagbili niya sa inyo.
26Kung ang isang tao ay walang kamag-anak para tumubos ng kanyang ari-arian, subalit kung umunlad siya at may kakayahang tubusin ito,
27sa gayon maaari niyang kuwentahin ang mga taon mula nang ipinagbili ang lupa at bayaran ang nalalabi sa tao na kung kanino niya ito ipinagbili. Pagkatapos maaari siyang bumalik sa kanyang sariling ari-arian.
28Subalit kung hindi niya kayang bawiin ang lupa para sa kanyang sarili, sa gayon mananatili ang lupang ipinagbili niya sa pagmamay-ari ng bumili nito hanggang sa Taon ng Paglaya. Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang lupa sa taong nagbenta nito, at babalik ang tunay na may-ari sa kanyang ari-arian.
29Kung ang isang tao ay magbebenta ng isang bahay sa isang pinaderang siyudad, sa gayon maaari niya itong bilhin muli sa loob ng isang buong taon matapos na ipagbili ito. Sa loob na isang buong taon magkakaroon siya ng karapatan ng pagtubos.
30Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya.

Read Levitico 25Levitico 25
Compare Levitico 25:16-30Levitico 25:16-30