Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 24

Levitico 24:9-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy.”
10Ngayon nangyari na ang anak na lalaki ng isang babaeng Israelita, na ang ama ay isang taga-Ehipto, sumama sa mga bayan ng Israel. Itong anak na lalaki ng isang babaeng Israelita ay nakipag-away sa isang lalaking Israelita sa kampo.
11Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
12Ikinulong siya hanggang ang hatol ni Yahweh ay ipahayag sa kanilang pasya.
13Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinabi,
14“Dalhin sa labas ng kampo ang taong nilait ang Diyos. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay dapat ipatong ang kanilang kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.
15Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
16Siya na nilapastanganan ang pangalan ni Yahweh ay tiyak na malalagay sa kamatayan. Lahat ng kapulungan ay tiyak na dapat siyang batuhin, kahit pa nga siya ay isang dayuhan o isang dayuhang Israelita. Kung sinuman ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, dapat siyang malagay sa kamatayan.

Read Levitico 24Levitico 24
Compare Levitico 24:9-16Levitico 24:9-16