Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 23

Levitico 23:7-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
8Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'”
9Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
10“Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
11Itataas niya ang tali sa harap ni Yahweh at idulog ito kay Yahweh, upang tanggapin ito para sa ngalan mo. Ito ay sa araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga na itataas ito ng pari at idudulog ito sa akin.
12Kapag sa araw na itinaas ninyo ang tali at idinulog ito sa akin, dapat ninyong ihandog ang isang taong gulang na lalaking tupa at walang dungis bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh.
13Dapat ang handog na pagkaing butil dalawang ikapu ng isang epah ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, para magpalabas ito ng isang mabangong amoy, at kasama dito ang isang inuming handog na alak, sa ikaapat na bahagi ng isang hin.
14Dapat hindi kayo kakain ng tinapay, ni inihaw o sariwang butil, hanggang sa parehong araw ng inyong pagdadala itong handog sa inyong Diyos. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga angkan, sa bawat lugar ng inyong titirhan.
15Magbibilang kayo kinabukasan mula sa Araw ng Pamamahinga, mula sa araw ng dinala ninyo ang tali na paghahandog para itaas at idinulog, pitong buong linggo, pitong Araw ng Pamamahinga,
16hanggang ang araw pagkatapos ang ikapitong Araw ng Pamamahinga. Iyon ay, dapat kayong bumilang ng limampung araw. Pagkatapos dapat ninyong ialay ang isang handog ng bagong butil kay Yahweh.
17Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
18Dapat ninyong idulog kasama ang tinapay, pitong tupa isang taong gulang at walang dungis, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa. Dapat itong maging isang handog na susunugin para kay Yahweh, kasama ang kanilang handog ng pagkaing butil at kanilang mga inuming handog, isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy at maglalabas ng isang mabangong amoy para kay Yahweh.
19Maghahandog kayo ng isang lalaking kambing para sa isang handog para sa kasalanan, at dalawang tupang lalaki na isang taong gulang para isang alay, bilang mga handog ng pagtitipon-tipon.
20Dapat itataas ng pari ang mga ito sa harapan ni Yahweh, kasama ang tinapay sa unang mga prutas, at idulog ang mga ito sa kanya bilang isang paghahandog kasama ang dalawang tupa. Mga banal na handog ito kay Yahweh para sa pari.
21Dapat gumawa kayo ng isang pahayag sa parehong araw na iyon. Magkakaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
22Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'”
23Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
24“Kausapin ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sa ikapitong buwan, ang unang araw ng buwan na iyon magiging isang mataimtim na pahinga para sa inyo, isang alaala sa pamamagitan ng pag-ihip ng mga trumpeta, at isang banal na pagpupulong.
25Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho, at dapat ninyong ialay ang isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh.'”
26Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
27“Ngayon ang ika-sampung araw ng ikapitong buwan magiging Araw ng Pambayad ng Kasalanan. Dapat magiging isang pagpupulong na inilaan kay Yahweh, dapat magpakumbaba kayo at gumawa ng isang handog na inialay sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
28Dapat hindi kayo magtatrabaho sa araw na iyon sapagkat ito ay ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan, upang gawin ang pambayad ng kasalanan para sa inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
29Ang sinumang hindi magpapakumbaba ng kaniyang sarili sa araw na iyon dapat ihiwalay mula sa kaniyang mga tao.
30Ang sinumang gagawa ng trabaho sa araw na iyon, Ako, Yahweh, lilipulin ko siya mula sa kanyang mga tao.
31Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
32Dapat ang araw na ito ay maging isang mataimtim na Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at magpakumbaba kayo sa ikasiyam na buwan. Mula sa gabi hanggang sa susunod na gabi dapat ninyong panatilihin ang Araw ng inyong Pamamahinga.'
33Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,

Read Levitico 23Levitico 23
Compare Levitico 23:7-33Levitico 23:7-33