Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 23

Levitico 23:5-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
6Sa ikalabing-limang araw sa parehong buwan ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura para kay Yahweh. Dapat ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw.
7Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
8Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'”
9Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
10“Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
11Itataas niya ang tali sa harap ni Yahweh at idulog ito kay Yahweh, upang tanggapin ito para sa ngalan mo. Ito ay sa araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga na itataas ito ng pari at idudulog ito sa akin.
12Kapag sa araw na itinaas ninyo ang tali at idinulog ito sa akin, dapat ninyong ihandog ang isang taong gulang na lalaking tupa at walang dungis bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh.
13Dapat ang handog na pagkaing butil dalawang ikapu ng isang epah ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, para magpalabas ito ng isang mabangong amoy, at kasama dito ang isang inuming handog na alak, sa ikaapat na bahagi ng isang hin.
14Dapat hindi kayo kakain ng tinapay, ni inihaw o sariwang butil, hanggang sa parehong araw ng inyong pagdadala itong handog sa inyong Diyos. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga angkan, sa bawat lugar ng inyong titirhan.
15Magbibilang kayo kinabukasan mula sa Araw ng Pamamahinga, mula sa araw ng dinala ninyo ang tali na paghahandog para itaas at idinulog, pitong buong linggo, pitong Araw ng Pamamahinga,
16hanggang ang araw pagkatapos ang ikapitong Araw ng Pamamahinga. Iyon ay, dapat kayong bumilang ng limampung araw. Pagkatapos dapat ninyong ialay ang isang handog ng bagong butil kay Yahweh.

Read Levitico 23Levitico 23
Compare Levitico 23:5-16Levitico 23:5-16