Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 22

Levitico 22:12-33

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Kung ikinasal sa isang hindi pari ang anak na babae ng isang pari, hindi siya maaaring kumain ng anumang banal na ambag na mga handog.
13Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
14Kung kumain ang isang tao ng isang banal na pagkain na hindi ito nalalaman, dapat niyang bayaran ang pari para rito; dapat niyang dagdagan ng ikalimang bahagi ito at ibalik ito sa pari.
15Hindi dapat bastusin ng mga tao ng Israel ang mga bagay na banal na itinaas at inihandog kay Yahweh,
16at idudulot ang kanilang sarili upang dalhin ang kasalanang gagawin silang may sala sa pagkain ng banal na pagkain, dahil ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.”'
17Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
18“Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
19kung ito ay tatanggapin, dapat silang maghandog ng isang lalaking hayop na walang kapintasan mula sa baka, tupa, o mga kambing.
20Pero hindi ninyo dapat ialay ang anumang may kapintasan. Hindi ko ito tatanggapin sa ngalan ninyo.
21Sinumang maghandog ng alay para sa pagtitipon-tipon ng handog mula sa maraming tao o sa kawan ni Yahweh para tuparin ang isang panata, o bilang isang kusang handog, dapat wala itong kapintasan para tanggapin. Dapat walang depekto ang hayop.
22Hindi kayo dapat maghandog ng mga hayop na bulag, baldado, o lumpo, o mayroong mga kulugo, mga sugat, o mga galis. Hindi ninyo dapat ihandog ang mga ito kay Yahweh bilang alay sa pamamagitan ng apoy sa altar.
23Maaari ninyong ihandog bilang kusang handog ang isang lalaking baka o kordero na sira ang anyo o maliit, ngunit ang isang handog na katulad niyan ay hindi tatanggapin para sa isang panata.
24Huwag maghandog kay Yahweh ng mga hayop na may bugbog, durog, sira o hiwa sa mga pampaanak na bahagi. Huwag ihandog ang mga ito sa inyong lupain,
25at huwag tanggapin ang mga ito mula sa kamay ng isang dayuhan bilang pagkaing inihandog sa Diyos, dahil may mga depekto o kapintasan sa mga ito. Hindi ko tatanggapin ang mga ito sa ngalan ninyo.
26Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabi,
27“Kapag ipinanganak ang isang guya o isang tupa o isang kambing, dapat itong manatili sa kaniyang ina ng pitong araw. Pagkatapos mula sa walong araw, maaaring tanggapin ito bilang isang alay para sa isang handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
28Huwag pumatay ng isang baka o tupang babae kasama ang kaniyang anak, sa ganitong araw.
29Kapag mag-aalay kayo ng isang handog ng pasasalamat kay Yahweh, dapat kayong mag-alay nito sa isang katanggap-tanggap na paraan.
30Dapat itong kainin sa ganitong araw na inihandog ito. Hindi kayo dapat magtira nito hanggang sa susunod na umaga. Ako si Yahweh.
31Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan at tuparin ang mga ito. Ako si Yahweh.
32Huwag dapat ninyong ilagay sa kahihiyan ang aking banal na pangalan. Dapat akong kilalanin bilang banal ng mga bayan ng Israel. Ako si Yahweh na inaalay ko sa inyong sarili.
33na siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, upang maging inyong Diyos. Ako si Yahweh.”

Read Levitico 22Levitico 22
Compare Levitico 22:12-33Levitico 22:12-33