Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 21

Levitico 21:8-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Dapat mo siyang ihandog sapagkat nag-aalay siya ng “pagkain” mula sa inyong Diyos. Dapat siyang maging banal sa iyong paningin, dahil Ako, si Yahweh, na siyang naghandog sa inyo sa aking sarili, ay banal din.
9Sinumang anak na babae ng pari ang dudungis sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang babaeng bayaran ay ipinapahiya ang kaniyang ama. Dapat siyang sunugin.
10Siya na punong pari sa kanyang mga kapatid na lalaki, kung kaninong ulo ibinuhos ang panghirang na langis, at ginawang banal upang magsuot ng mga natatanging kasuotan ng punong pari, ay hindi dapat guluhin ang kanyang buhok o punitin ang kanyang mga damit.
11Hindi siya dapat pumunta kahit saan na mayroong isang patay na katawan at dungisan ang kanyang sarili, kahit para sa kanyang ama o sa kanyang ina.
12Hindi dapat iiwan ng punong pari ang dako ng santuwaryo ng tabernakulo o lapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos, dahil ginawa siyang banal bilang punong pari sa pamamagitan ng panghirang na langis ng kanyang Diyos. Ako si Yahweh.
13Dapat mag-asawa ang punong pari ng isang birhen bilang kanyang asawa.
14Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
15Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.'''
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
17“sabihin kay Aaron at sabihin niya, 'Sinuman sa iyong mga kaapu-apuhan hanggang sa buong salinlahi nila ang may kapansanan sa katawan, hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.

Read Levitico 21Levitico 21
Compare Levitico 21:8-17Levitico 21:8-17