Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 21

Levitico 21:10-20

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Siya na punong pari sa kanyang mga kapatid na lalaki, kung kaninong ulo ibinuhos ang panghirang na langis, at ginawang banal upang magsuot ng mga natatanging kasuotan ng punong pari, ay hindi dapat guluhin ang kanyang buhok o punitin ang kanyang mga damit.
11Hindi siya dapat pumunta kahit saan na mayroong isang patay na katawan at dungisan ang kanyang sarili, kahit para sa kanyang ama o sa kanyang ina.
12Hindi dapat iiwan ng punong pari ang dako ng santuwaryo ng tabernakulo o lapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos, dahil ginawa siyang banal bilang punong pari sa pamamagitan ng panghirang na langis ng kanyang Diyos. Ako si Yahweh.
13Dapat mag-asawa ang punong pari ng isang birhen bilang kanyang asawa.
14Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
15Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.'''
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
17“sabihin kay Aaron at sabihin niya, 'Sinuman sa iyong mga kaapu-apuhan hanggang sa buong salinlahi nila ang may kapansanan sa katawan, hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
18Hindi dapat lumapit kay Yahweh ang sinumang taong may kapansanan sa katawan, gaya ng isang taong bulag, isang taong pilay, isa na ang anyo ay nasira o pumangit,
19isang taong pilay ang kamay o paa,
20kuba o taong unano, o isang taong may kapansanan sa kanyang mga mata, o may isang sakit, pamamaga, galis, o napinsala ang mga pribadong bahagi.

Read Levitico 21Levitico 21
Compare Levitico 21:10-20Levitico 21:10-20