Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 20

Levitico 20:18-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18Kung sipingan ng isang lalaki ang isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla at nakipagtalik sa kaniya, binuksan niya ang agusan ng kanyang dugo, ang pinagmumulan ng kanyang dugo. Kapwa ang lalaki at babae ay dapat alisin mula sa kanilang bayan.
19Hindi ninyo dapat sipingan ang kapatid na babae ng inyong ina, ni kapatid na babae ng inyong ama, dahil ipapahiya ninyo ang inyong malapit na kamag-anak. Dapat ninyong dalhin ang sarili ninyong kasalanan.
20Kung sipingan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang tiyuhin, ipinahiya niya ang kanyang tiyuhin. Dapat nilang dalhin ang sarili nilang kasalanan at mamatay ng walang anak.
21Kung pakasalan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki, ito ay kalaswaan dahil nagkaroon siya ng kaugnayang lumalabag sa kasal ng kanyang kapatid na lalaki, at hindi sila magkakaanak.
22Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
23Hindi kayo dapat mamuhay sa mga kaugalian ng mga bansang itataboy ko sa harapan ninyo, dahil ginawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, at kinamumuhian ko ang mga ito.
24Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
25Kaya dapat ninyong kilalanin ang kaibahan ng malinis na mga hayop at ng marumi, at kaibahan ng maruming mga ibon at ang malinis. Huwag dapat ninyong dungisan ang inyong mga sarili ng mga maruming hayop o mga ibon o anumang nilikhang gumagapang sa lupa, na inihiwalay ko bilang marumi mula sa inyo.

Read Levitico 20Levitico 20
Compare Levitico 20:18-25Levitico 20:18-25