Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 19

Levitico 19:27-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Huwag sumunod sa mga gawain ng pagano tulad ng pag-ahit sa kanilang magkabilaang ulo o pagputol sa kanilang gilid mula sa kanilang balbas.
28Huwag ninyong sugatan ang inyong katawan para sa patay o maglagay ng tatu sa inyong katawan. Ako si Yahweh.
29Huwag ninyong idulot sa kahihiyan ang inyong anak na babae para maging babaeng bayaran, o babagsak sa prostitusyon ang bansa ay mapupuno ng kasamaan.
30Dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga at igalang ang santuwaryo ng aking tabernakulo. Ako si Yahweh.
31Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
32Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
33Kung naninirahan ang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag dapat kayong gumawa ng anumang mali sa kanya.
34Ang naninirahang dayuhan sa inyo ay dapat maging tulad ninyong katutubong Israelita na kasama ninyong naninirahan, at dapat ninyo siyang mahalin tulad ng inyong sarili, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh na inyong Diyos.

Read Levitico 19Levitico 19
Compare Levitico 19:27-34Levitico 19:27-34