Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 19

Levitico 19:21-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
22Pagkatapos gagawa ng pambayad ng kasalanan ang pari para sa kanya sa papamagitan ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh, para sa kasalanan na nagawa niya. Pagkatapos mapapatawad ang kasalanan na kanyang nagawa.
23Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin.
24Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh.
25Sa ikalimang taon maaari na ninyong kainin ang bunga, kinakailangang maghintay upang higit pang magbunga ang puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos.

Read Levitico 19Levitico 19
Compare Levitico 19:21-25Levitico 19:21-25