Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 18

Levitico 18:19-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Huwag kayong sumiping sa isang babae habang siya ay may regla. Siya ay marumi sa panahong iyon.
20Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapit-bahay at dungisan ang inyong sarili sa kanya sa ganitong paraan.
21Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
22Huwag sumiping sa ibang kalalakihan gaya sa isang babae. Napakasama nito.
23Huwag kayong sumiping sa alinmang hayop at dungisan ang inyong sarili dahil dito. Walang babae ang dapat na mag-isip na sumiping sa alinmang hayop. Ito ay kabuktutan.
24Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
25Naging marungis ang lupain, kaya pinarusahan ko ang kanilang kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga naninirahan dito.
26Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
27Sapagkat ito ang mga kasamaang ginawa ng mga tao sa lupain, mga dating nanirahan dito bago kayo, at ngayon marungis na ang lupain.
28Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo.
29Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.

Read Levitico 18Levitico 18
Compare Levitico 18:19-29Levitico 18:19-29