Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 16

Levitico 16:11-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Kung ganoon dapat iharap ni Aaron ang toro para sa handog para sa kasalanan, na kung alin ay magiging para sa kanyang sarili. Dapat siyang gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, kung gayon dapat niyang patayin ang toro bilang isang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili.
12Dapat kumuha si Aaron ng isang sensaryo na puno ng mga uling na may apoy mula sa altar sa harapan ni Yahweh, na puno ng giniling na pinong-pinong mabangong insenso ang mga kamay niya, at dadalhin ang mga bagay na ito sa loob ng kurtina.
13Dapat niyang ilagay doon ang insenso sa ibabaw ng apoy sa harapan ni Yahweh upang maaaring tumakip ang ulap mula sa insenso sa luklukan ng awa sa ibabaw ng tipan ng mga batas. Dapat niya itong gawin upang hindi siya mamatay.
14Pagkatapos dapat siyang kumuha ng konting dugo ng toro at iwisik ito gamit ang kanyang daliri sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. Dapat niyang iwisik ang konting dugo gamit ang kanyang daliri ng pitong beses sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
15Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
16Dapat gumawa siya ng pambayad kasalanan para sa banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
17Walang sinuman ang dapat nasa loob ng tolda ng pagpupulong kapag papasok si Aaron upang gumawa ng pambayad kasalanan sa pinakabanal na lugar, at hanggang sa lumabas siya at matapos ang paggawa ng pambayad kasalanan sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, at para sa lahat ng kapulungan ng Israel.
18Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
19Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
20Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
21Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.

Read Levitico 16Levitico 16
Compare Levitico 16:11-21Levitico 16:11-21