Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 15

Levitico 15:15-25

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
16Kung ang similya ng sinumang lalaki ay kusang lumabas mula sa kaniya, sa gayon ay dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan sa tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
17Dapat malabhan ng tubig ang bawat kasuotan o balat ng hayop na nagkaroon ng similya; ito ay magiging marumi hanggang gabi.
18At kapag ang isang babae at isang lalaki ay nagsiping at nagkaroon ng paglilipat ng similya sa babae, dapat paliguan nila pareho ang kanilang mga sarili ng tubig; sila ay magiging marumi hanggang gabi.
19Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
20Bawat bagay na kaniyang hinigaan sa loob ng kaniyang kabuwanang dalaw ay magiging marumi; lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi din.
21Sinumang humawak ng kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig; magiging marumi hanggang gabi ang taong iyon.
22Sinumang makahawak sa anumang bagay na kanyang inupuan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
23Kahit ito ay sa higaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan, kung hawakan niya ito, ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
24Kung sinumang lalaki ang sumiping sa kanya, at kung ang kaniyang maruming daloy ay mapasayad sa kaniya, magiging marumi siya ng pitong araw. Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi.
25Kung ang isang babae ay nagkaroon ng pagdurugo ng maraming araw na hindi sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, o kapag siya ay mayroong siyang pagdurugo na lagpas pa sa kaniyang kabuwanang dalaw, sa panahon ng mga araw ng pag-agos ng kaniyang karumihan, siya ay parang nasa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw. Siya ay marumi.

Read Levitico 15Levitico 15
Compare Levitico 15:15-25Levitico 15:15-25