Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 15

Levitico 15:1-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Kinausap ni Yahweh sina Moises at Aaron, sinabing,
2“Kausapin ang mga mamamayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang lalaki na nagkaroon ng isang likidong may impeksyon na lumabas sa kaniyang katawan, siya ay nagiging marumi.
3Ang kaniyang karumihan ay dahil sa likidong mayroong impeksyon na ito. Kahit ang kaniyang katawan ay dinadaluyan ng likido, o tumigil na, ito ay marumi.
4Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi, at lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi.
5Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
6Sinuman ang umupo sa anumang bagay na inuupuan ng lalaking dinadaluyan ng likidong mayroong impeksyon, dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
7At sinumang humawak sa katawan ng isang may tumutulong likidong may impeksyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
8Kapag ang taong mayroong tumutulong likido ay dumura sa sinumang malinis, kung gayon dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
9Alinmang upuan sa likod ng kabayo na sinakyan ng mayroong isang daloy ay magiging marumi.
10Ang sinumang humawak sa anumang bagay na napasailalim ng taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi, at sinumang magdala ng mga bagay na iyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
11Ang sinuman na nagkaroon ng ganoong tulo ay humawak na hindi muna niya hinugasan ang kaniyang mga kamay ng tubig, dapat labahan ng taong hinawakan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
12Anumang palayok na luad na hinawakan ng may tulo na likido ay dapat basagin, at dapat hugasan ng tubig ang bawat sisidlang kahoy.
13Kapag siya na nagkatulo ay nilinis na mula sa kaniyang tulo, kung gayon ay dapat siyang bumilang ng pitong araw para sa kaniyang paglilinis; pagkatapos dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng umaagos na tubig. Pagkatapos siya ay magiging malinis.
14Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batu-batoi at dapat siyang pumunta kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; doon ay dapat niyang ibigay ang mga ibon sa pari.
15Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
16Kung ang similya ng sinumang lalaki ay kusang lumabas mula sa kaniya, sa gayon ay dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan sa tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
17Dapat malabhan ng tubig ang bawat kasuotan o balat ng hayop na nagkaroon ng similya; ito ay magiging marumi hanggang gabi.
18At kapag ang isang babae at isang lalaki ay nagsiping at nagkaroon ng paglilipat ng similya sa babae, dapat paliguan nila pareho ang kanilang mga sarili ng tubig; sila ay magiging marumi hanggang gabi.
19Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
20Bawat bagay na kaniyang hinigaan sa loob ng kaniyang kabuwanang dalaw ay magiging marumi; lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi din.
21Sinumang humawak ng kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig; magiging marumi hanggang gabi ang taong iyon.
22Sinumang makahawak sa anumang bagay na kanyang inupuan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
23Kahit ito ay sa higaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan, kung hawakan niya ito, ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.

Read Levitico 15Levitico 15
Compare Levitico 15:1-23Levitico 15:1-23