Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 13

Levitico 13:6-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Susuriin ulit siya ng pari sa ikapitong araw upang makita kung ang karamdaman ay mas bumuti at hindi kumalat ng mas malawak sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon sasabihin ng pari na siya ay malinis. Ito ay isang pantal. Kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, at pagkatapos siya ay malinis na.
7Pero kung ang pantal ay kumalat sa balat pagkatapos niyang ipakita ang kanyang sarili sa pari para sa kanyang paglilinis, kailangan niya muling ipakita ang kanyang sarili sa pari.
8Susuriin siya ng pari para makita kung ang pantal ay kumalat ng mas malawak sa balat. Kung kumalat ito, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
9Kapag ang nakakahawang sakit sa balat ay nasa sinuman, kung gayon ay kailangan siyang dalhin sa pari.
10Susuriin siya ng pari upang makita kung may puting pamamaga sa balat, kung ang buhok ay naging puti, o kung may hilaw na laman sa pamamaga.
11Kung naroon iyon, sa gayon ito ay isang malubhang sakit sa balat, at dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Hindi na siya ihihiwalay, dahil siya ay marumi na.
12Kung ang sakit ay malawak na ang pagkalat sa balat at natatakpan na ang buong balat ng taong may sakit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa, hangga't nakikita iyon ng pari,
13kung gayon kailangang suriin siya ng pari upang makita kung ang sakit ay bumalot sa buo niyang katawan. Kapag mayroon nito, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na ang taong may sakit ay malinis. Kung lahat ng ito ay naging puti, kung gayon ay malinis siya.
14Ngunit kung hilaw na laman ang makita sa kanya, siya ay magiging marumi.
15Dapat tingnan ng pari ang hilaw na laman at ipahayag siyang marumi dahil ang hilaw na laman ay marumi. Iyon ay isang nakakahawang sakit.
16Ngunit kung ang hilaw na laman ay maging puti muli, kung gayon ay dapat pumunta ang tao sa pari.
17Susuriin siya ng pari para makita kung ang laman ay naging puti. Kung nagkagayon ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay malinis.
18Kung ang tao ay may pigsa sa balat at gumaling ito,
19at sa bahagi ng pigsa ay mayroong puting pamamaga o isang malinaw na batik, namumulang-puti, kung gayon ay kailangan itong ipakita sa pari.
20Susuriin ito ng pari upang makita kung ito ay mas malalim sa balat, at kung ang buhok doon ay naging puti. Kung gayon, dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit, kapag ito ay namuo sa bahagi kung nasaan ang pigsa.
21Ngunit kung sinuri ng pari ito at makita na walang puting buhok dito, at iyon ay wala sa ilalim ng balat kundi kumupas na, sa ganun kailangang ihiwalay siya ng pari sa loob ng pitong araw.
22Kapag kumalat iyon sa balat, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
23Ngunit kapag nanatili ang malinaw na batik sa bahagi nito at hindi kumalat, kung gayon ito ay peklat ng pigsa, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis.
24Kapag ang balat ay may paso at ang hilaw na laman ng paso ay maging isang namumulang-puti o puting batik,
25kung ganun susuriin ito ng pari para makita kung ang buhok sa batik na iyon ay naging puti, at kung ito ay nagpapakitang mas malalim kaysa sa balat. Kapag mayroon nito, sa ganun iyon ay nakakahawang sakit. Kumalat na ito palabas sa paso, at dapat ipahayag siya ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
26Ngunit kung susuriin iyon ng pari at makitang walang puting buhok sa batik, at iyon ay wala sa ilalim ng balat ngunit kumupas, kung gayon ay dapat siyang ihiwalay ng pari sa loob ng pitong araw.
27Pagkatapos ay dapat siyang suriin ng pari sa ikapitong araw. Kung iyon ay kumalat ng malawak sa balat, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na siya na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
28Kung ang batik ay manatili sa bahaging iyon at hindi kumalat sa balat ngunit kumupas, kung gayon ito ay isang pamamaga mula sa paso, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis, dahil hindi ito mas higit sa peklat ng paso.
29Kung ang isang lalaki o babae ay may nakakahawang sakit sa ulo o baba,
30kung gayon kailangang suriin ng pari ang tao para sa isang nakakahawang sakit upang makita kung ito ay nagmimistulang mas malalim kaysa balat, at kung mayroong dilaw, manipis na buhok dito. Kung mayroon, kung gayon kailangan siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang pangangati, isang nakakahawang sakit sa ulo o sa baba.
31Kung ang pari ay susuriin ang pangangating sakit at makitang wala ito sa ilalim ng balat, at kung walang itim na buhok doon, kung gayon ang pari ay ihihiwalay ang taong may pangangating sakit sa loob ng pitong araw.
32Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw upang makita kung kumalat ito. Kung walang dilaw na buhok, at kung ang sakit ay lumilitaw na hanggang balat lang ang lalim,
33kung gayon kailangan siyang ahitan, ngunit ang may sakit na bahagi ay hindi dapat ahitan, at kailangang ihiwalay ng pari ang tao na may pangangating sakit sa loob ng karagdagang pitong araw.
34Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw para makita kung ito ay huminto na sa pagkalat sa balat. Kung ito ay lumilitaw na hindi mas malalim kaysa balat, kung gayonn kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis. Kailangang labhan ng tao ang kanyang mga damit, at sa gayon siya ay magiging malinis.
35Ngunit kung ang pangangating sakit ay kumalat ng malawak sa balat pagkatapos na ang pari ay sabihin na siya ay malinis,
36kung ganun kailangan siyang suriin ulit ng pari. Kung ang sakit ay kumalat sa balat, ang pari ay hindi na kailangang humanap ng dilaw na buhok. Ang tao ay marumi.

Read Levitico 13Levitico 13
Compare Levitico 13:6-36Levitico 13:6-36