Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 11

Levitico 11:6-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6At ang kuneho: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi ito para sa inyo.
7At ang baboy kahit hati ang kuko, hindi ito ngumunguya, kaya marumi ito para sa inyo.
8Hindi ninyo dapat kainin alinman sa kanilang karne, ni hawakan ang kanilang patay na katawan. Marumi ang mga ito para sa inyo.
9Ang mga hayop na nabubuhay sa tubig na maaari ninyong kainin ay iyong may mga palikpik at may mga kaliskis, maging nasa karagatan man o nasa mga ilog.
10Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
11Dahil ang mga ito ay dapat kasuklaman, hindi ninyo dapat kainin ang kanilang laman; gayundin, dapat kasuklaman ang mga patay na katawan ng mga ito.
12Anumang mga walang mga palikpik o mga kaliskis na nasa tubig ay dapat ninyong kasuklaman.
13Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre.
14ang halkon, anumang uri ng palkon,
15bawat uri ng uwak,
16ang kuwagong may sungay at ang malaking kuwago, ang tagak at ang anumang uri ng lawin.

Read Levitico 11Levitico 11
Compare Levitico 11:6-16Levitico 11:6-16