Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 11

Levitico 11:31-36

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
31Sa lahat ng mga hayop na gumagapang, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo. Sinumang humawak sa mga ito kapag namatay, magiging marumi hanggang sa gabi.
32At kung alinman sa mga ito ang namatay at nahulog sa anumang bagay, magiging marumi ang bagay na iyon, kahit gawa ito sa kahoy, tela, balat o telang magaspang. Anuman ito at anuman ang mga gamit nito, dapat itong ilagay sa tubig; magiging marumi ito hanggang sa gabi. Pagkatapos magiging malinis na ito.
33Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon.
34Lahat ng malinis na pagkain at pinahihintulutang kainin, ngunit kung nabuhusan ng tubig mula sa isang maruming palayok, sa gayon magiging marumi ito. At anumang bagay na maaaring maiinom mula sa bawat palayok ay magiging marumi.
35Magiging marumi ang lahat ng bagay na mabagsakan ng anumang bahagi ng patay na katawan ng maruming hayop, kahit isang pugon ito o mga lutuang palayok. Dapat itong basagin sa pira-piraso. Marumi ito at dapat maging marumi para sa inyo.
36Mananatiling malinis ang Isang bukal o hukay kung saan naiipon ang inuming tubig kung mahulog ang ganoong mga nilalang dito. Ngunit kung sinumang humawak sa patay na katawan ng isang maruming hayop sa tubig, magiging marumi siya.

Read Levitico 11Levitico 11
Compare Levitico 11:31-36Levitico 11:31-36