Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Levitico - Levitico 11

Levitico 11:21-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Gayunman maaari ninyong kainin alinman sa lumilipad na mga kulisap na lumalakad din gamit ang paa, kung may mga binti sila sa itaas ang kanilang mga paa, na ginagamit upang tumalon sa lupa.
22At maaari rin ninyong kainin ang anumang uri ng balang, lukton, kuliglig o tipaklong.
23Ngunit dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na mga kulisap na may apat na paa.
24Magiging marumi kayo hanggang sa gabi kung hahawakan ninyo ang patay na katawan ng isa sa mga ito.
25Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
26Marumi para sa inyo ang bawat hayop na hindi ganap na nahati ang kuko o hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang bawat isa na hahawak sa kanila.
27Marumi para sa inyo ang anumang naglalakad sa mga pangamot nito sa lahat ng hayop na lumalakad gamit ang lahat na apat na paa. Magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa ganoong patay na katawan.
28Dapat labhan ang kaniyang mga damit at maging marumi hanggang sa gabi ang sinumang pumulot sa ganoong patay na katawan. Marumi para sa inyo ang mga hayop na ito.
29Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo: ang bubuwit, ang daga, bawat uri ng malalaking butiki,
30ang tuko, ang bayawak, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango.
31Sa lahat ng mga hayop na gumagapang, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo. Sinumang humawak sa mga ito kapag namatay, magiging marumi hanggang sa gabi.
32At kung alinman sa mga ito ang namatay at nahulog sa anumang bagay, magiging marumi ang bagay na iyon, kahit gawa ito sa kahoy, tela, balat o telang magaspang. Anuman ito at anuman ang mga gamit nito, dapat itong ilagay sa tubig; magiging marumi ito hanggang sa gabi. Pagkatapos magiging malinis na ito.
33Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon.
34Lahat ng malinis na pagkain at pinahihintulutang kainin, ngunit kung nabuhusan ng tubig mula sa isang maruming palayok, sa gayon magiging marumi ito. At anumang bagay na maaaring maiinom mula sa bawat palayok ay magiging marumi.

Read Levitico 11Levitico 11
Compare Levitico 11:21-34Levitico 11:21-34