Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 9

JUAN 9:9-37

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Sinabi ng ilan, “Siya nga.” Sinabi ng iba, “Hindi, ngunit siya ay kamukha niya.” Ngunit sinasabi niya, “Ako nga iyon.”
10Sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon paanong nabuksan ang iyong mga mata?”
11Sumagot siya, “Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at pinahiran ang aking mga mata at sinabi sa akin, “Pumunta ka sa Siloam at maghilamos.' Kaya umalis ako at naghilamos, at nanumbalik ang aking paningin.”
12Sinabi nila sa kaniya, “Nasaan siya?” sumagot siya, “Hindi ko alam.”
13Dinala nila ang lalaki na dating bulag sa mga Pariseo.
14Ngayon iyon ay Araw ng Pamamahinga nang si Jesus ay gumawa ng putik at pinadilat ang kaniyang mga mata.
15Pagkatapos tinanong siya muli ng mga Pariseo kung paano niya natanggap ang kaniyang paningin. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako, at ngayon nakakakita na ako.”
16Sinabi ng ilang mga Pariseo, “Ang taong ito ay hindi galing sa Dios dahil hindi niya tinutupad ang Araw ng Pamamahinga.” Sinabi ng iba, “Papaanong makakagawa ng ganyang mga pangitain ang isang tao na iyon na makasalanan?” Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang kalagitnaan.
17Kaya tinanong nilang muli ang lalaking bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya dahil pinadilat niya ang iyong mga mata?” Sinabi ng lalaking bulag, “Siya ay isang propeta.”
18Ngayon ang mga Judio ay hindi pa din naniniwala tungkol sa kaniya na dating bulag at nakamit ang kaniyang paningin hanggang sa tinawag nila ang mga magulang ng iyong nagkamit ng kaniyang paningin.
19Tinanong nila ang mga magulang, “Ito ba ang inyong Anak na sinasabi ninyong pinangangak na bulag? Papaanong nakakakita na siya ngayon?”
20Kaya sumagot ang kaniyang mga magulang sa kanila, “Alam naming ito ang aming anak at siya ay bulag nang isilang.
21Kung paano siya ngayon ay nakakakita na, hindi namin alam, at kung sino ang nagpadilat sa kaniyang mga mata, hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Siya ay matanda na. Makakapag-salita siya para sa kaniyang sarili.”
22Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga.
23Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, “Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya.
24Kaya sa pangalawang pagkakataon tinawag nila ang lalake na naging bulag at sinabi sa kaniya, “Magbigay papuri ka sa Dios. Alam naming makasalanan ang taong iyon.”
25At sumagot ang taong iyon, “Kung siya man ay isang makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay ang alam ko: Noon ako ay bulag, at ngayon ako ay nakakakita na.”
26At sinabi nila sa kaniya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinadilat ang iyong mga mata?”
27Sumagot siya, “Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan! Bakit ninyo gustong itong marinig muli? Hindi ninyo nais maging alagad din niya, hindi ba?”
28Nilait nila siya at sinabi, “Ikaw ay kaniyang alagad, ngunit kami ay mga alagad ni Moises.
29Alam namin na ang Dios ay nakipag-usap kay Moises, ngunit para sa taong iyon, hindi namin alam kung saan siya nanggaling.”
30Ang lalake ay sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit, ito ay isang kamangha-manghang bagay, at hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, gayon pinadilat niya ang aking mga mata.
31Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.
32Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag.
33Kung ang taong ito ay hindi galing sa Diyos, wala siyang kayang gawin.”
34Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?” Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.
35Narinig ni Jesus na pinalayas nila siya sa sinagoga. Nakita niya siya at sinabi, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”
36Sumagot siya at sinabi, “Sino siya, Panginoon, upang sasampalataya ako sa kaniya?”
37Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Nakita mo na siya, at siya itong nakikipag-usap sa iyo.”

Read JUAN 9JUAN 9
Compare JUAN 9:9-37JUAN 9:9-37