Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 9

JUAN 9:3-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Sumagot si Jesus, “Hindi nagkasala ang taong ito ni ang kaniyang mga magulang, kundi upang ang mga gawa ng Dios ay mahayag sa kaniya.
4Kailangan nating gawin ang mga gawain niya na siyang nagpadala sa akin habang araw pa. Darating ang gabi na kung kailan wala ng kayang gumawa.
5Habang ako ay nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”
6Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik sa pamamagitan ng laway, at pinahiran ng putik ang mga mata ng lalake.
7Sinabi niya sa kaniya, “Pumunta ka at maghilamos sa languyan ng Siloam (na isinalin na 'isinugo').” Kaya't umalis ang lalake, naghilamos, at bumalik nang nakakakakita na.
8Pagkatapos, ang mga kapitbahay ng lalake at iyong mga dating nakakita sa kaniya bilang isang pulubi ay nagsasabi, “Hindi ba't ito ang lalaking dating nakaupo at namamalimos?”
9Sinabi ng ilan, “Siya nga.” Sinabi ng iba, “Hindi, ngunit siya ay kamukha niya.” Ngunit sinasabi niya, “Ako nga iyon.”
10Sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon paanong nabuksan ang iyong mga mata?”

Read JUAN 9JUAN 9
Compare JUAN 9:3-10JUAN 9:3-10