Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 9

JUAN 9:21-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Kung paano siya ngayon ay nakakakita na, hindi namin alam, at kung sino ang nagpadilat sa kaniyang mga mata, hindi namin alam. Tanungin ninyo siya. Siya ay matanda na. Makakapag-salita siya para sa kaniyang sarili.”
22Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga.
23Dahil dito, sinabi ng kaniyang mga magulang, “Siya ay matanda na. Tanungin ninyo siya.
24Kaya sa pangalawang pagkakataon tinawag nila ang lalake na naging bulag at sinabi sa kaniya, “Magbigay papuri ka sa Dios. Alam naming makasalanan ang taong iyon.”
25At sumagot ang taong iyon, “Kung siya man ay isang makasalanan, hindi ko alam. Isang bagay ang alam ko: Noon ako ay bulag, at ngayon ako ay nakakakita na.”
26At sinabi nila sa kaniya, “Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niya pinadilat ang iyong mga mata?”
27Sumagot siya, “Sinabi ko na sa inyo at hindi ninyo pinakinggan! Bakit ninyo gustong itong marinig muli? Hindi ninyo nais maging alagad din niya, hindi ba?”
28Nilait nila siya at sinabi, “Ikaw ay kaniyang alagad, ngunit kami ay mga alagad ni Moises.
29Alam namin na ang Dios ay nakipag-usap kay Moises, ngunit para sa taong iyon, hindi namin alam kung saan siya nanggaling.”
30Ang lalake ay sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit, ito ay isang kamangha-manghang bagay, at hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, gayon pinadilat niya ang aking mga mata.
31Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos.

Read JUAN 9JUAN 9
Compare JUAN 9:21-31JUAN 9:21-31