Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 8

JUAN 8:41-45

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
41Ginawa ninyo ang gawain ng inyong ama.” Sinabi nila sa kaniya, “Hindi kami ipinanganak sa seksual na imoralidad; may isa kaming Ama, ang Diyos.”
42Sabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, sapagkat ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagkat hindi ako naparito dahil sa aking sarili lamang, kundi isinugo niya ako.
43Bakit hindi ninyo naiintindihan ang aking mga salita? Ito ay dahil hindi ninyo kayang makinig sa aking mga salita.
44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
45Subalit, dahil nagsasalita ako ng katotohanan hindi kayo naniniwala.

Read JUAN 8JUAN 8
Compare JUAN 8:41-45JUAN 8:41-45