Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 8

JUAN 8:38-59

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
38Sinasabi ko ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, at kayo din ginagawa ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa inyong ama.
39Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ang aming ama ay si Abraham.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawain ni Abraham.
40Ngunit, ngayon ninanais ninyo na patayin ako na isang taong nagsabi sa inyo ng katotohan na narinig ko mula sa Diyos. Hindi ito ginawa ni Abraham.
41Ginawa ninyo ang gawain ng inyong ama.” Sinabi nila sa kaniya, “Hindi kami ipinanganak sa seksual na imoralidad; may isa kaming Ama, ang Diyos.”
42Sabi ni Jesus sa kanila, “Kung ang Diyos ang inyong Ama, mamahalin ninyo ako, sapagkat ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagkat hindi ako naparito dahil sa aking sarili lamang, kundi isinugo niya ako.
43Bakit hindi ninyo naiintindihan ang aking mga salita? Ito ay dahil hindi ninyo kayang makinig sa aking mga salita.
44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
45Subalit, dahil nagsasalita ako ng katotohanan hindi kayo naniniwala.
46Sino sa inyo ang hahatol sa aking kasalanan? Kung nagsasalita ako ng katotohanan, bakit hindi ninyo ako pinapaniwalaan?
47Ang sa Diyos ay nakikinig sa mga salita ng Diyos; hindi ninyo naririnig ang mga ito dahil hindi kayo sa Diyos.”
48Ang mga Judio ay sumagot at sinabi sa kaniya “Hindi ba tama ang sinabi namin na ikaw ay isang Samaritano at may demonyo,”
49Sumagot si Jesus, “Wala akong demonyo; pero pinaparangalan ko ang aking ama, at hindi ninyo ako pinaparangalan.
50Hindi ko hinahanap ang sarili kong kaluwalhatian; mayroong isang naghahanap at naghahatol.
51Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan.
52Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.'
53Hindi ka nakakahigit sa aming amang si Abraham na namatay, hindi ba? Ang mga propeta din ay namatay. Kanino mo hinahalintulad ang iyong sarili?”
54Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang halaga; ang nagluluwalhati sa akin ay ang aking Ama—na sinasabi ninyo na siya ang inyong Diyos.
55Hindi niyo siya nakikila, pero kilala ko siya. Kung sasabihin ko, 'Hindi ko siya kilala,' maitutulad ako sa inyo na sinungaling. Subalit, kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa.”
57Sabi ng mga Judio sa kanya, “Hindi ka pa limampung taon gulang, at nakita mo na si Abraham?”
58Sabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA.”
59Kaya dumampot sila ng mga bato para batuhin siya ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.

Read JUAN 8JUAN 8
Compare JUAN 8:38-59JUAN 8:38-59