Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 6

JUAN 6:51-65

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
51Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo.
52Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?”
53At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
54Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.
55Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
57Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin.
58Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.
59Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
60Pagkatapos nang narinig ng marami sa kaniyang mga alagad ito, sinabi nila, “Ito ay mahirap na katuruan; sino kaya ang tatanggap nito?”
61Dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay naguusap-usap tungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Ito ba ay nakasakit sa inyo?
62Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon?
63Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang pakinabang ang laman. Ang mga salita na nasabi ko sa inyo ay mga espiritu, at ang mga ito ay buhay.
64Gayun man mayroong ilan sa inyo na hindi mananampalataya.” Sapagkat alam ni Jesus mula pa sa simula sino ang hindi mananampalataya at sino itong magkakanulo sa kaniya.
65Sinabi niya, “Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.”

Read JUAN 6JUAN 6
Compare JUAN 6:51-65JUAN 6:51-65