Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 6

JUAN 6:5-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
6(Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
7Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
8Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus,
9“Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?”
10Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang.
11At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila.
12Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
13Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.
14At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
15Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
16Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa.
17Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila).
18Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
19At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot.
20Subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito, huwag kayong matakot.”
21Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
22Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang.
23(Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
24Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus.
25Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, “Rabi, kailan ka nagpunta dito?
26Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, “Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog.
27Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya.
28Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?”
29Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
30Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
31Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”

Read JUAN 6JUAN 6
Compare JUAN 6:5-31JUAN 6:5-31