Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 6

JUAN 6:40-48

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
40Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.
41Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.”
42Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”
43Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, “Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili.”
44Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw.
45Ito ay nasusulat sa mga propeta, “Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin.
46Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.
47Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan.
48Ako ang tinapay ng buhay.

Read JUAN 6JUAN 6
Compare JUAN 6:40-48JUAN 6:40-48