Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 6

JUAN 6:29-43

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
30Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
31Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”
32Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
33Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
34Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”
35Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
36Subalit, sinabi ko sa inyo na nakita ninyo na ako, ngunit hindi pa rin kayo naniniwala.
37Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
38Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
39At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
40Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.
41Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.”
42Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”
43Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, “Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili.”

Read JUAN 6JUAN 6
Compare JUAN 6:29-43JUAN 6:29-43