Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 6

JUAN 6:2-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit.
3Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.
4(Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na).
5Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
6(Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
7Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
8Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus,
9“Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?”
10Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang.
11At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila.
12Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
13Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.
14At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
15Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
16Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa.
17Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila).
18Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.

Read JUAN 6JUAN 6
Compare JUAN 6:2-18JUAN 6:2-18