Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 5

JUAN 5:38-46

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
38Hindi nananatili ang kaniyang salita sa inyo, sapagkat hindi kayo naniniwala sa kaniyang isinugo.
39Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,
40at hindi ninyo gustong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41Hindi ako tumatanggap ng papuri mula sa mga tao,
42ngunit alam ko na wala ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga sarili.
43Ako ay dumating sa ngalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinatanggap. Kung may iba na dumating sa kaniyang sariling pangalan, tatanggapin ninyo siya.
44Papaano kayo maniniwala, kayo na tumatanggap ng papuri mula sa isa't isa ngunit hindi naghahangad ng papuri na nagmumula sa kaisa-isang Diyos?
45Huwag ninyong isipin na ako mismo ang magpaparatang sa inyo sa harap ng Ama. Ang nagpaparatang sa inyo ay si Moises, na pinaglalagyan ninyo ng inyong mga pag-asa.
46Kung naniniwala kayo kay Moises, maniniwala kayo sa akin sapagkat sumulat siya tungkol sa akin.

Read JUAN 5JUAN 5
Compare JUAN 5:38-46JUAN 5:38-46