Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 5

JUAN 5:3-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Maraming bilang ng mga tao na may sakit, bulag, pilay, o lumpo ang mga nakahiga sa mga portico na ito.
4(naghihintay sa paggalaw ng tubig)
5Nandoon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon ng lumpo.
6Nang makita siya ni Jesus na nakahiga doon, at napag-alaman niyang matagal na siya nandoon, sinabi niya sa kaniya, “Ibig mo bang gumaling?”
7Sumagot ang lalaking may sakit, “Ginoo, wala akong sinumang magdadala sa akin sa palanguyan kapag napukaw ang tubig. Kapag aking sinusubukan, mayroong nauuna sa akin.”
8Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, kunin mo ang iyong banig, at lumakad ka.”
9Agad-agad gumaling ang lalaki, binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Ngayon ang araw na iyon ay Araw ng Pamamahinga.
10Kaya sinabihan ng mga Judio sa kaniyang pinagaling, “Ito ang Araw ng Pamamahinga, at hindi ka pinapayagang magbuhat ng iyong banig.”
11Sumagot siya, “Ang nagpagaling sa akin ang nagsabi sa akin, 'Damputin mo ang iyong banig at lumakad ka.'”

Read JUAN 5JUAN 5
Compare JUAN 5:3-11JUAN 5:3-11