Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 5

JUAN 5:16-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Ngayon dahil sa mga bagay na ito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat ginawa niya ang mga ito sa Araw ng Pamamahinga.
17Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa kahit ngayon, at ako rin ay gumagawa.
18Dahil dito, hinangad lalo ng mga Judio na patayin siya sapagkat hindi lamang niya nilabag ang Araw ng Pamamahinga, ngunit tinawag din niya ang Diyos na kaniyang Ama, at ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos.
19Sinagot sila ni Jesus, “Tunay nga, walang magagawa ang Anak sa kaniyang sarili lamang, maliban lamang sa anong nakikita niya na ginagawa ng Ama, sapagkat anuman ang ginagawa ng Ama, ang mga bagay na ito ay ginagawa din ng Anak.
20Sapagkat iniibig ng Ama ang Anak, at ipinapakita niya sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa, at ipapakita niya ang mga mas dakilang bagay kaysa sa mga ito para kayo ay mamangha.
21Sapagkat tulad ng Ama na binabangon ang mga patay at binibigyan sila ng buhay, gayun din naman ang Anak ay nagbibigay ng buhay kung kanino niya naisin.
22Sapagkat walang hinuhusgahan ang Ama, kundi ibinigay na niya ang lahat ng paghuhusga sa Anak
23upang ang lahat ay parangalan ang Anak katulad ng pagparangal nila sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya.
24Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay.
25Tunay nga, sinasabi ko sa inyo na darating ang panahon at narito na, na maririnig ng patay ang tinig ng Anak ng Diyos, at ang mga nakarinig ay mabubuhay.
26Sapagkat tulad ng Ama na may buhay sa kaniyang sarili, kaya binigyan din niya ang Anak ng buhay sa kaniyang sarili,
27at binigyan ng Ama ang Anak ng kapangyarihan na gampanan ang paghahatol sapagkat siya ang Anak ng Tao.
28Huwag mamangha dito, sapagkat darating ang panahon kung saan lahat ng nasa libingan ay maririnig ang kaniyang tinig
29at sila ay magsilabasan: iyong mga nakagawa ng mabuti sa pagkabuhay muli sa buhay, at iyong mga nakagawa ng masama sa pagkabuhay na muli sa paghahatol.
30Wala akong magagawa mula sa aking sarili. Kung anon narinig ko, humahatol ako, at ang aking hatol ay matuwid dahil hindi ko hinahangad ang sarili kong kalooban ngunit ang kalooban ng nagpadala sa akin.
31Kung ako ay magpapatotoo tungkol sa aking sarili lamang, ang aking patotoo ay hindi magiging tunay.
32Mayroong isa pa na siyang nagpapatotoo patungkol sa akin, at alam ko na ang patotoo na ibibigay niya tungkol sa akin ay tunay.
33Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya sa katotohanan.
34Subalit, ang patotoo na aking natanggap ay hindi galing sa tao. Sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas.

Read JUAN 5JUAN 5
Compare JUAN 5:16-34JUAN 5:16-34