Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 4

JUAN 4:8-39

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Dahil ang kaniyang mga alagad ay umalis papuntang bayan upang bumili ng pagkain.
9Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, “Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?” Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.
10Sinagot siya ni Jesus, “Kung batid mo ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong nagsasabi sa iyong, 'Bigyan mo ako ng inumin,' ikaw sana ang hihingi sa kaniya, at ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.”
11Sumagot ang babae, “Ginoo, wala kang panalok, at malalim ang balon. Saan kayo kukuha ng tubig na buhay?
12Hindi ka higit na dakila kaysa aming amang si Jacob, di ba, na nagbigay sa amin ng balon, at uminom siya mula dito, gayun din ang kaniyang mga anak at kaniyang mga baka?”
13Sumagot si Jesus, “Ang bawat iinom ng kaunting tubig na ito ay muling mauuhaw,
14ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.”
15Ang sabi ng babae sa kaniya, “Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito para hindi na ako mauuhaw at hindi na pumunta dito para umigib ng tubig.”
16Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Umuwi ka, tawagin mo ang iyong asawa, at bumalik ka dito.”
17Sumagot ang babae, sinasabi sa kanya, “Wala akong asawa.” Sumagot si Jesus, “Mabuti ang pagkasabi mo, 'wala akong asawa,'
18dahil nagkaroon ka na ng limang asawa at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Sa gayon mabuti ang pagkasabi mo.”
19Ang sabi ng babae sa kaniya, “Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta.
20Dito sa bundok na ito sumamba ang aming mga ninuno, ngunit iyong sinasabi na itong Jerusalem ay ang lugar kung saan ang mga tao ay dapat sumamba.”
21Sumagot si Jesus sa kaniya, “Babae, maniwala ka sa akin, darating ang oras na sasambahin ninyo ang Ama ni sa bundok na ito o sa Jerusalem.
22Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman. Alam namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmula sa mga Judio.
23Subalit darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang Ama ay naghahanap ng mga ganoong tao na sasamba sa kaniya.
24Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga taong sasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”
25At sinabi ng babae sa kaniya, “Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin.”
26Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga.”
27At sa sandaling iyon bumalik ang kaniyang mga alagad. Ngayon sila ay nagtataka bakit siya nakikipag-usap sa isang babae. Ngunit walang isa man ang nagsabi, “Ano ang iyong gusto?” o “Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?”
28Kaya iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig. Bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao,
29“Halikayo tingnan niyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng aking ginawa. Hindi maaaring maging siya ang Cristo, maaari kaya?”
30Nagsilabasan sila sa bayan, at nagpunta sa kaniya.
31Samantala hinihimuk siya ng mga alagad, sinasabi, “Rabi, kumain ka.”
32Ngunit sinabi niya sa kanila, “Mayroon akong pagkaing kakanin na hindi niyo nalalaman.”
33Kaya sinabi ng mga alagad sa isa't-isa, “Wala namang nagdala sa kaniya ng anumang kakainin, mayroon ba?”
34Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa.
35Hindi ba sinasabi ninyo, 'Mayroon pang apat na buwan at pagkatapos darating ang anihan'? Sinasabi ko sa inyo, tingnan ninyo at pagmasdan ang mga kabukiran, dahil ang mga iyon ay hinog na upang anihin!
36Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang.
37Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.'
38isinugo ko kayo upang anihin iyong hindi kayo ang nagpagal. Iba ang nagpagal at kayo mismo ay napabilang sa kanilang pagpapagal.”
39Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa.”

Read JUAN 4JUAN 4
Compare JUAN 4:8-39JUAN 4:8-39