Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 4

JUAN 4:1-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon, nang malaman ni Jesus na narinig na ng mga Pariseo na siya ay humihirang at nagbabautismo ng mas maraming alagad kaysa kay Juan
2(bagama't hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo kundi ang kaniyang mga alagad),
3iniwan niya ang Judea at lumisan papuntang Galilea.
4Ngayo'y kinakailangan niyang dumaan ng Samaria.
5Kaya dumating siya sa isang bayan ng Samarya na tinawag na Sicar, malapit sa isang lagay ng lupa na ibinigay ni Jacob sa kaniyang anak na si Jose.
6Naroon ang balon ni Jacob. Napagod si Jesus sa kaniyang paglalakbay, at siya ay umupo sa may balon. Ito ay magtatanghaling tapat.
7Isang Samaritana ang dumating upang mag-igib ng tubig, at sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bigyan mo ako ng konting tubig na maiinom.”
8Dahil ang kaniyang mga alagad ay umalis papuntang bayan upang bumili ng pagkain.
9Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, “Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?” Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.

Read JUAN 4JUAN 4
Compare JUAN 4:1-9JUAN 4:1-9